Good Day!:smile2:
Share ko lang po yung tour namin d2 sa Masasa Beach sa Tingloy Batangas. Wala kasi akong nakitang thread para d2.
8 riders kami (3 with back rides) na galing from Laguna/Cavite Area.
https://www.google.com.ph/maps/dir/J...m2!1b1!2b1!3e0
Take off time namin dapat ay 5am, pero tinanghali kami dahil bukod sa nanggaling ako sa Makati, dumaan pa ako sa bahay sa Laguna para kunuha ng gamit. 6am na kami naka alis at dumating ng Anilao Port sa Mabini Batangas ng 9:20am. kayang kunin ng 2 oras ang byahe pero dahil nasa 60-80kph lang ang target speed namin at maya't maya ang hinto para sa picture taking, gas at hintayan sa mga nahuhuling kasama.
Pagdating ng Anilao Port, Di namin ini expect na mahaba ang pila sa bangka ride going to Tinglao Port. sabi ng mga locals na nakausap namin na bigla din ang dami ng mga turista na gustong pumunta ng Tingloy.
Safe iwan ang mga motor sa Port. 100- para sa parking fee/overnight. ang spot na naparkingan namin ay katabi lang ng brgy.hall. Pede rin mamalengke ng lulutuin o babaunin para sa isla.
45-1hr ang boat ride patawid ng Tingloy, 110- (80/boat fee. 30/environmental fee) 300- naman kung isasama mo ang motor sa isla. Pagdating sa Port ng Tingloy, sasakay ng Tricycle 15-pesos per head patawid sa kabilang side ng isla. at another 5-10mins na lakaran sa pilapil at beach na.
Bring your own tent or pwede ka mag rent sa halagang 200- (good for 2pax ang tent) public beach po ang Masasa kaya ang gilid kung saan ang campsite ay may mga basura at bakas ng uling sa mga nagluluto, pero ang tubig naman po ay malinaw at maganda pa din ang paligid. Meron din silang mga rooms na pinapa arkila sa likod ng isla na abot kaya din naman..
may sari sari store din para dun sa mga gustong magpaluto o sa mga gustong magluto. walang kuryente sa isla kaya ma eenjoy mo ang gabi na panay halakhak at kwentuhan sa paligid lang ang maririnig mo.
Total Gastos ko d2:
Gas: 150- (full tank from Makati) nagpa karga na lang nung pauwi na.
Boat fee: 220- (roundtrip)
parking fee: 100-
Banig na sapin namin at tinulugan : 200-
Tubig pang banlaw: 20-
Dinner sa Tindahan: 45-
Kape at Monay: 15-
halo halo: 25-
yung ibang gastos namin ay ambagan na, lahat po ng naka indicate sa taas ay yung ginastos namin nung nasa Masasa Beach lang, di kasama yung almusal/snacks o baon na bitbit namin.
hope makatulong kahit kaunti dun sa mga gustong pumunta.
saka ko na po e post yung mga pic kapag naayos ko na.
may mga detailed blog para naman po sa gusto pa ng ibang info sa lugar. search nyu na lang po. nakatulong din sa byahe namin ang mga nabasa ko dun.